ta•ga•pag•ba•li•tà : ang tao o opisyal na may tungkuling magpalaganap ng balita hinggil sa isang samahan
ta•ga•pág•pa•ga•náp 1: tagagawâ ng bagay-bagay 2: a sangay ng pamahalaan na nanganga-siwa at nagpapatupad ng mga batas at namamahala sa mga gawain ng isang bansa b tao o mga tao na bu-mubuo sa sangay na ito 3: tao na nagpapatupad sa mga gawain ng isang korporasyon o katulad
ta•ga•pa•ma•ha•là 1: pinunò ng isang pama-mahala 2: propesyonal na pinunò ng isang negosyo 3: pinunò ng pamahalaan
ta•ga•pa•nga•la•gà : tao na inatasan para pan-samantalang mangalaga sa isang menor de-edad, bilanggo, o ari-arian
ta•ga•pa•nga•si•wà : tao na nangangasiwa o nagpapatakbo sa isang kapisanan, institusyon, korporasyon, at katu-lad
ta•ga•pa•ngú•lo 1: tagapangunang opisyal sa isang púlong, komite, lupon, at iba pa 2: ang punòng namamahala sa isang departamento sa mataas na paaralan, kolehiyo, o unibersidad