ta•gá•toy : punongkahoy (Mimosops parvifolia) na tumataas nang 15 m at tumutubò sa may tabing-dagat o aplaya
tá•gay 1: pagbati o pagpupugay na ipinahahayag bago lumagok o sumimsim ng alak 2: sabay-sabay na pagtataas ng baso sa isang inuman 3: paan-yaya upang uminom 4: ang alak na ginagamit sa gayong pag-inom 5: a pag-inom na gumagamit ng isang basong ipinapása sa lahat ng kalahok b súkat ng alak sa baso sa ganitong okasyon
ta•ga•yán 1: pag-inom sa iisang baso 2: pagdiriwang sa pamamagitan ng paghahandog ng tágay 3: singgalong o katulad na ginagamit sa pagtatagay
tag•bák : tíla yerbang haláman (Kolowratia elegans), may matabâng ugat, maumbok ang dulo ng tangkay, madahon, at may matabâ at maikling palapa, katutubò sa Filipinas
Tag•bán•wa 1: pangka-ting etniko na matatagpuan sa gitna at hilagang Palawan 2: tawag din sa wika nitó