ta•íb-a : pagsubok kung maa-yos ang pagkagawâ sa tapayan sa pamamagitan ng pagbababad ng mainit na tubig
tail coat (téyl kowt) : pan-laláking coat na maikli sa harapán at may buntot sa likod na nahahati sa dalawa, at isinusuot bílang ba-hagi ng isang pormal na kasuotan
tailing (téy•ling) 1: tirá-tirá o hindi magandang bahagi ng butil o kiho at katulad 2: ang bahagi ng biga o ladrilyo na nakaungos sa dingding
ta•í•nga 1: organ ng pandi-nig at panimbang ng tao at mga vertebrate 2: bahagi ng katawan ng ibang hayop na sen-sitibo sa tunog 3: bagay na hugis tainga 4: hawakan ng sisidlan, gaya ng tainga ng tása 5: pamamaga ng kuko sa isang bahagi at magkaroon ng nana 6: kapirasong balát sa tungâ na nagdudulot ng matinding kirot
ta•í•ngam•bá•buy : maliit na punongkahoy (Gonocaryum calleranum) na may mahahabà at maliliit na sanga, at tíla nuwes ang bungang kulay lilang-itim at may matigas na putîng lamán na nababalutan ng mabunot na talupak