ta•ka•lá•nan 1: bayad sa pagbili ng lahat ng inaasahang ani 2: mapang-abusong sistema ng pagpapautang, binaba-yaran ng magsasaká ang kaniyang inutang sa pamamagitan ng aning palay
ta•kám 1: palatak ng labì at dila bílang pag-asam sa sarap na tatamasahin, karaniwan sa pagkain 2: pag-asám
ta•káp 1: malakas na pagsigaw 2: nakaiinsultong pagbubunganga; pasigaw na pag-mumura 3: takíp 4: pagpapakita ng kagustuhan sa isang bagay
ta•ka•rá : maliit, mababaw, at bilog na basket, may sapin sa ila-lim at lalagyán ng maliliit na bagay
ta•ká•tak 1: halámang tumu-bò mula sa mga nahulog na butó o butil, tumubò nang hindi sadyang ipinunla 2: kálat
tá•kaw 1: labis na pagnanasà sa isang bagay, lalo na sa pagkain 2: pagiging sabik na saklawin, tamu-hin, o gamitin, lalo na nang labis-labis o walang kabusugan
tá•kaw-ma•tá 1: madalîng matukso sa anumang makíta 2: madalîng maakit na kunin ang isang bagay na hindi naman kailangan, gaya ng pagkaing hindi káyang ubusin
tak•bó 1: kumilos nang mabilis 2: sumali sa isang timpalak o maging kandidato sa eleksiyon 3: mangasiwa, mamahala, o magmaneho 4: itakas; takásan 5: dumanas o dumaloy, gaya ng tubig o panahon