tak•láng 1: pag-alog-alog ng mga binti 2: pag-angat ng likurang paa ng áso kapag umiihi 3: pagpátid sa isang tao
tak•líp 1: bahagyang galos o sugat 2: tumitigas na rabaw ng bagong sugat na nagiging langib 3: pagtatalop ng prutas
tak•lís 1: ihasà o patalasin sa pa-mamagitan ng pagkuskos ng talim sa kapuwa patalim 2: itali ang ha-yop sa isang kahoy
tak•ló•bo : pina-kamalakíng uri ng shell (Tridacna gigas) na kulay putî o dilawan ang balát na hugis abaniko, humahabà nang 100 sm at tumitimbang nang 200 kg
tá•ko 1: mahabàng kahoy na barilya, ginagamit na pan-tumbok ng bátong bola sa larong bilyar o ng bátong pitsa sa larong pool 2: pagkaing Mehikano, binubuo ng tortilyong binalot sa arina, at ipinrito
tá•kob : pinagharap, pinagtakip, o pinagdikit, gaya ng larawan o ng latik na inilagay sa pinagtakip na bao ng niyog