ták•si•dér•mi•yá : sining ng paghahanda, pagsisiksik, at pagmumuntada ng balát ng ha-yop upang lumitaw na tíla buháy
ták•si•mét•ro : awtomatikong kasangkapang iki-nakabit sa taxicab, na nagtatala ng pamasaheng babayaran ng isang pasahero
tak•ták 1: pag-ugâ ng isang sisidlan upang lumabas ang lamán sa kabilâng bu-nganga, sa pamamagitan ng pagba-yo ng bukás na bunganga nitó 2: bakal na ikinakabit sa kuwerdas ng gitara 3: pakikipagkasundo sa isang tao hinggil sa araw ng paglalakbay 4: pandukal na karaniwang may puluhang kawayan
tak•tá•kan 1: bumbong na may tulis sa isang dulo, may bukó sa gitna at bukás sa ibabaw; ginagamit na sisidlan ng mga pambigkis sa mga binubunot na punla ng palay 2: balitakták
ta•kum•bô : sitarang yarì sa bum-bong ng kawayan, may dalawang kuwerdas na inukit at inangat mula sa bumbong, at lumilikha ng mababà, pabago-bagong tono
ta•kú•pis 1: pinakabalát ng bu-nga ng puso, niyog, at iba pang halámang palapa 2: magkataklob na balát ng mga kabibe 3: tuyô, magaspang, o walang kabulu-hang balát ng anuman