ta•la•tág 1: pagsasaayos nang sunod-sunod, gaya ng mga hukbong nakahanay 2: pinalawig na pagbabaybay o pag-iisa-isa sa mga punto na pinagkasunduan, gaya ng sa doku-mento
ta•lá•tak•dà•an : grapikong representasyon, gaya ng mga pagtaas at pagbabâ ng mga di-nakapagsasariling sangkap o pu-wersa, hal ng temperatura o presyo
tá•law 1: unang tamà ng palakol sa kahoy upang matiyak ang punto ng hati 2: kahigitan; superyoridad 3: tákas 4: pagpunta nang maayos o sunod-sunod
tá•lay 1: paglalagay sa ayos ng bagay-bagay 2: pag-ugoy na parang duyan 3: pagdaan sa ibabaw ng kahoy o kawayan na nagsisilbing tulay 4: bísig1