ta•yâ 1: salapi o halagang ipinag-sasapalaran sa isang laro o paligsa-han 2: sa laro, ang kalahok na kailangang gumawâ ng ilang espi-sipikong bagay, karaniwan bílang parusa sa pagkatálo 3: kaláwang.
tá•ya 1: pagpapasiya o pagsukat sa halaga, dami, lakí, o bigat ng isang bagay sa pamamagi-tan ng tingin, hawak, at paggamit lámang ng pandama 2: sahod
ta•ya•án : biluhabâng bas-ket na may takip, parihabâ ang puwit, at pinaglalagyan ng bigas, damit, o anumang gamit sa bahay.
ta•yá•bak : matigas na baging, may kapansin-pansing bulaklak dahil sa kulay na mabughaw-bughaw na lungtian na 7 sm ang habà ng bawat isa, nakatikwas na parang tuka at nakakumpol sa tangkay, katutubo sa Filipinas
ta•ya•kád 1: dalawang piraso ng kahoy na may tuntungan na gina-gamit sa paglakad o pagtakbo 2: nabibitbit o naililipat na habong na gawâ sa nipa.
tá•yam 1: palumpong (Desmo-dium heterocarpum) na may maka-hoy at munting sanga na nababálot ng maiikling balahibong kulay abo 2: bágal.