ti•ím 1: nakaimpit ang labì, ngi-pin, o bagáng sa pagpipigil o pag-titimpi ng galit o sakít 2: tigmák 3: tigmák
ti•kà 1: ilahas na ibong may mahahabàng binti at leeg, at may mahabàng tuwid na tuka 2: mga dahon na tulad ng sa halámang alkatsopas.
tí•ka 1: matapat na balak o determinasyon sa paggawâ ng isang bagay 2: mataos na pagsi-sisi sa kasamaang ginawa
tí•kal 1: katutubòng palma (Livistona saribus), tuwid at umaa-bot sa 25 m ang taas, nahahawig sa anahaw ang mga dahon ngunit kulay kayumangging pulá na may malakíng mga tinik ang tangkay 2: mítig.
ti•káp 1: naghihingalong galaw ng mamamatay nang isda na nása tubig 2: andap ng liwanag ng ilaw o kandila 3: mahinàng paghinga ng sinumang malapit nang mamatay.