tí•kas 1: paraan ng pagdadalá ng sarili 2: angklet na gawâ sa manipis na ba-ging 3: halámang ugat (Canna indica) na may risomang ginagamit na pampaihi at pampabawa sa balinguyngoy.
tik•bá•lang : nilaláng na anyong tao ang katawan at mga kamay ngunit may mahahabàng binti at hita na kahawig ng sa kabayo
tik•bí : uri ng flowerpecker (Dicaeum trigonostigma) na itim o abuhin ang pang-itaas na bahagi at dilaw o dalandan ang pang-ibabâng bahagi ng katawan.
tí•ket 1: limbag na piraso ng papel o kard na nagpa-pahintulot sa pagpasok, pagbahagi, paglalakbay sa pamamagitan ng sasakyan, at paggamit ng publikong pasilidad 2: opisyal na paunawa sa paglabag ng batas trapiko, at katulad
ti•kín 1: mahabàng kawayan o anumang katulad na ginagamit sa pagbubunsod ng bangka mula sa mababaw na bahagi ng tubigan 2: maha-bàng kahoy na panungkit ng prutas