ti•ba•ní 1: panlilinlang gamit ang matatamis na salita at mga pangako 2: pagpapahayag na totoo kung ano ang hindi naman totoo 3: tibarí1.
ti•ba•rí 1: panlilinlang gamit ang mga salita na dalawa ang ka-hulugan 2: pagsasalita nang napakabilis at hindi naiintindihan.
tí•baw : sinaunang salusa-long ginagawâ sa ikatlo o sa ikasiyam na araw ng kamatayan ng isang tao; nagsasama-sama ang mga kaanak at kaibigan ng namatay upang ipagdasal ito.
tí•bay 1: kalagayan o kalidad ng pagiging malakas o mapuwersa, tu-matagal sa bigat at dalas ng gamit 2: kaka-yahang makatagal o makatiis sa sakít, dusa, pagod, at iba pa 3: kahigpitan o katigasan na hindi nag-babago o hindi sumusuko sa gitna ng presyon.
tibia (tíb•ya) 1: panloob at karaniwang malakí sa dalawang butó na humahabà mula tuhod hanggang bukong-bukong 2: tibio-tarsus ng ibon 3: pang-apat na kasukasuan sa binti ng kulisap, at iba pa, sa pagitan ng femur at tarsus.
tibiotarsus (tí•bi•yo•tár•tus) : pangunahing butó sa binti ng ibon na magkaayon sa tibia na nása ibabâ at dulong bahagi ng mga butó ng tarsus.