tib•ná•lay : bahagi ng bahay na karaniwang tinutulugan ng mga dalaga, o ng una o paboritong asawa ng pinunò ng bahay.
ti•bò : matalim at matulis na organ ng ilang kulisap, gaya ng bubuyog o ilang uri ng isda, at ginagamit bílang proteksiyon.
ti•bók 1: ritmi-kong galaw ng puso dahil sa kon-traksiyon ng mga másel nitó, lalo na ng mga bentrikulo, kapag ang daloy ng dugo ay papalabas dito 2: katulad na galaw ng ibang bagay, hal tibok ng pápaták-paták na tubig, tibók ng liwanag sa iskrin ng tele-bisyon
Tí•bo•lí : pangkating etniko na karaniwang matatagpuan sa Kiamba, Maitum, at Surallah sa la-lawigan ng South Cotabato