zeugma (zyúg•ma) : anyo ng pananalita na gumagamit ng pandiwa o pang-uri na may dala-wang pangngalan, subalit angkop lámang sa isa sa dalawa, o angkop sa dalawa ngunit sa magkaibang pa-raan, hal , “Tumama ang mga sagot niya at ang pana.”
zidovudin (záy•do•vu•dín) : deribatibo ng thymidine na gi-nagamit sa paggamot sa HIV at iba pang nakahahawang sakít.
ziggurat (zíg•u•rát) : sa sinaunang Babilonya, templong piramide na binubuo ng mga palapag na may daang paakyat na pumapalibot sa kabuuang estruktura nitó.
zíg•zag 1: daan na may mabilis na pagpapalit ng likong pakaliwa o pakanan 2: alinman sa mga likong ito.
Zion (zyon) 1: isa sa dalawang burol at moog ng sinaunang Jerusalem 2: relihiyon ng mga Hudyo 3: ang Kristiyanong Simbahan.