zoo (zu) 1: establisimyento na nag-aalaga ng koleksiyon ng mga hayop sa parke, hardin, at katulad, upang itanghal sa publiko, at karaniwang para sa pananaliksik at pangangalaga sa mga ito 2: ang pook na sinasakop nitó.
zoogeography (zó•o•dyó•gra•fí) : sangay ng Zoology na tumatalakay sa heograpikong distribusyon ng mga hayop.
zooid (zó•oyd) 1: alinman sa mga organikong lawas o cell na may kakayahang kumilos at umiiral nang hiwalay sa pinagmulang organismo 2: anumang organismo ng hayop na may kakayahang umiral nang nakahiwalay, likha ng fission o ilang pamaraan bukod sa reproduksiyong seksuwal.
zookeeper (zu•kí•per) 1: tao na nangangalaga sa mga hayop sa zoo 2: tao na nagmamay-ari o direktor ng Zoo.
zo•o•lo•hí•ya 1: ang siyentipikong pag-aaral sa mga hayop, lalo na ang may kaugnayan sa kanilang estruktura, pisyolohiya, klasipikasyon, at distribusyon 2: búhay ng mga hayop sa isang partikular na rehiyon
zoom (zum) 1: kumilos nang mabilis 2: magpalipad ng eroplano nang mabilisan sa maikling distansiya 3: sa potograpiya, palakihin o paliitin ang imahen sa pamamagitan ng mga lente 4: sa pelikula, palitán ang long shot ng close-up nang hindi nagbabago ang fokus sa kinukunan.
zoospore (zó•os•pór) 1: asexual na spore na likha ng algae at fungi, at may kakayahang gumalaw sa pamamagitan ng flagella 2: alinman sa mga flagella o amoeba na nagmumula sa sporocyst ng mga protozoan.