ga


ga

png
:
tawag at bigkas sa titik G sa abakadang Tagalog.

ga

pnb

ga

pnl
:
pambuo ng pang-uri at nangangahulugang kasukát o katulad ng súkat ng tinutukoy sa kasunod na salita, hal gabútil.

Ga (dyí ey)

symbol |Kem |[ Ing ]

Gâ!

pdd
:
varyant ng Bulagâ!

gá·ab

png |[ War ]
1:
paglantad sa panganib o sa kapahamakan
2:
tao na pinilit umako ng pananagutan o tungkulin ng iba.


ga·a·lín

pnb |[ ST ]
:
ang sukat kung gaáno kalaki o kalayò.

ga·án

png |[ Seb Tag War ]
1:
kababàan ng timbang
2:
pagiging madalî o mabilisang gawin ang isang bagay — pnr ma·ga·án. — pnd ga·a·nán, mag·pa·ga·án, pa·ga·a·nín

gá·ang

png |[ ST ]
:
bútas ng sisidlan, karaniwan sa tapayan.

gá·ang

pnd |ga·á·ngin, gu·má·ang, i·gá·ang |[ Hil ]
:
idarang ang isang bagay sa init ng apoy.

ga·a·nó

pnh pnb |[ ga+anó ]
:
ginagamit sa pangungusap na may himig ng pag-aagam-agam, pagdaíng, o paghanga.

ga·á·no

pnh pnb
:
pananong na iniuukol sa dami, bílang, halaga, súkat, o panahon Cf GAALÍN

gá·ar

pnr |[ Mrw ]

ga·ás

png |[ Ing gas ]
:
tawag sa kérosín.

ga·ás-ga·ás

png |Zoo |[ War ]
:
ibong nása pamilyang babbler (Macronus Striaticeps ), kulay kayumanggi ang pakpak at buntot, at may mga guhit na itim at putî ang ulo.

gá·at

png
:
bahagyang ukit na sinadya sa pamamagitan ng patalim upang madalîng mabalì ang isang bagay.

gab

png |[ Ing ]
:
mababaw na usapan o pagsasalita.

ga·bà

png |[ Hil Seb War ]
:
parusa sa kalapastanganan Cf KÁRMA

ga·bâ

png |[ Bik ]
:
gupò1-2 — pnd ga·ba·ín, mang·ga·bâ.

gá·ba

png |Mil |[ Ilk ]
:
palihim o biglaang pagsalakay sa kaaway — pnd ga·bá·in, gu·má·ba.

ga·bák

png
1:
[Kap] púnit — pnd ga·ba·kín, ma·ga·bák
2:
[ST] bahaging sirâ o bulok ng sasakyang-dagat.

gá·bak

pnr
1:
malalim ang hukay o malakí ang lubak, karaniwang sa lupa
2:
malakí ang sirà, karaniwan ng damit at katulad.

ga·bán

png
1:
Bio [ST] pagtatalik ng mga hayop
2:
[Esp] mahabà at makapal na coat na isinusuot sa ibabaw ng ibang damit at ginagamit kung taglamig : ABRÍGO1, OVERCOAT1, TOPCOAT1

ga·báng

png
:
mabagal na pagkilos o paglakad — pnr ma·ga·báng.

gá·bang

png
1:
Mus uri ng hinihipang kawayan na nakalilikha ng mataas na tono
2:
[ST] pagiging gahól
3:
Bot [Ilk] punongkahoy na may balát na ginagamit upang magkakulay kayumanggi ang bási.

ga·bá·ra

png |Ntk |[ Esp gabarra ]
:
malapad na sasakyang pantubig, sapád ang ilalim, at ginagamit sa pagdadalá ng mga kalakal at iba pang kargamento : BARGE var gebára

ga·bar·dín

png |[ Ing gabardine ]
1:
malambot at matibay na uri ng tela na yarì sa lana, cotton, o rayon : GABARDINE
2:
kasuotan na yarì sa telang ito : GABARDINE var gebardín

gabardine (gá·bar·dín)

png |[ Ing ]

ga·ba·ré·ro

png |[ Esp gabarrero ]
:
tao na nagpapalakad o namamahala sa gabara var gebaréro

ga·bás

png |Kar |[ Seb ]

ga·bát

png |[ Bik ]

gá·bat

png pnr |[ Ilk ]

gá·baw

png |[ War ]
:
karagdagang presyo.

ga·báy

png
1:
Ark bahagi ng hagdanan na hinahawakan sa pagpanhik o pagbabâ : ALUBÁYBAY, GALABÁY, GUYÁBNAN Cf BARANDÍLYA — pnd ga·ba·yán, gu·ma·báy, i·páng·ga·báy

gá·bay

png |Ark |[ Mrw ]

gá·bay

pnr |[ Ilk ]
:
hulí1 o náhulí.

gáb·bang

png |Mus |[ Pal Sml Tau Yak ]
:
instrumentong tulad ng xylophone, yarì sa kawayan, may sunod-sunod na eskala, at pinapalò ng maliit na martilyong kahoy : BATAKÁN4, TÁMLANG1 var gambang Cf TALÓNGGATÍNG

gáb·bay

png |[ Iba ]

gab·bó

png |Isp |[ Ilk ]
:
bunô o pagbubunô.

gáb·bok

png |Say |[ Kal ]
:
sayaw bílang pasasalamat sa ikatlo o ikaapat na buwan ng sanggol.

gab·bós

png |Zoo |[ Ilk ]
:
kuyog ng mga bubuyog na ilahas.

gá·be

png |Bot |[ Akl Bik Hil Iba Ilk Seb War ]
:
halámang-ugat (Colocasia esculenta ) na makinis at nakakain din ang dahon : BÁDYANG, BIGÀ4, GANDÚU, LAGWÁY, LINSÁ, LOKÓ4, SUDÎ, TÁRO1 var gábi

ga·be-ga·bí·han

png |Bot |[ gábe+gábe+ han ]
:
halámang-ugat (Monochoria hastata ) na mahahabà ang dahon at nabubúhay sa mamasâ-masâng lupa.

gá·beng-u·wák

png |Bot |[ gábe+na uwák ]
:
semi-akwatikong yerba (Monochoria vaginalis ), 50 sm ang taas, malalapad ang dahon na parang gabe, kumpol ang bulaklak na kulay lilà, at itinuturing na damo sa bukirin at gilid ng lawa : BILÁGUT, LAGTÁNG2

gáb·hay

pnr |[ Hil ]
:
kulay na nalulusaw na itim, nagiging kayumanggi hanggang sa pumutî.

ga·bí

png |[ Iba Mag Tag ]
:
kabuuan ng isang magdamag ; oras o panahon mulang paglubog ng araw hanggang muling pagsíkat nitó : BÁNGGI, BÉNGI, DARK2, DÚUM, EVENING, GÚGAWÍI, KILÉB, LÁBI, MÁHEP, NIGHT, NOCHE, NOCTURNE1, NOKTÚRNO1, RABIÍ var gab-í — pnr ga·bí-ga·bí páng·ga·bí — pnd ga·bi·hín, mág·pa·ga·bí

gá·bi

pnd |ga·bí·hin, mang·gá·bi |[ War ]
:
apihín o mang-apí.

ga·bí-ga·bí

pnr
:
tuwing gabí ; hindi sumasála sa gabí.

ga·bi·lán

png |Zoo
1:
[Esp gavilan] isang maliit na ibong mandaragit (genus Accipiter, family Accipitridae ) na sumisilà ng maliliit na hayop : SPARROW HAWK
2:
[Tag Bag] habihán.

ga·bí·lan

png
1:
Kar [Ilk] katam na pangkutab, karaniwang ginagamit sa pagpapakinis ng mga bagay
2:
Zoo [Seb] bakóko1

ga·bi·né·te

png |Pol |[ Esp ]
:
lupon ng mga opisyal ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya na tumutulong sa pangulo sa pagpapatakbo ng pamahalaan : KÁBINÉT2, MINÍSTÉRYO1

ga·bí·tay

pnd |gu·ma·bí·tay, i·ga·bí·tay, i·páng·ga·bí·tay |[ Seb ]
:
ilawit sa tubig.

gable (géy·bel)

png |Ark |[ Ing ]

gab·lé·te

png |Ark |[ Esp ]
:
hugis tatsulok sa dakong unahán ng bubong na nagbibigay lilim sa bintana o pinto : BÍLLGUT, GABLE

gab·lós

png |Bot

gáb·not

png |[ Seb ]

gá·bo

png
1:
[ST] galbó1
2:
Bot lihà ng sitrus.

gá·bog

pnr |ma·gá·bog |[ ST ]

ga·bók

png
1:
[ST] alikabok sa damit
2:
3:
[Bik Hil Seb] gapô1

gá·bok

pnr |[ Mrw ]

gá·bol

png |Zoo |[ ST ]

Ga·bón

png |Heg |[ Ing ]
:
isa sa mga bansa sa kanlurang Africa.

gá·bon

png
1:
[ST] lason ng haláman
2:
[ST] muling pagsupling ng damong tinabás
3:
[ST] lason na nása pagkain
4:
[Mag Seb] úlap.

gá·bot

png
1:
[ST War] búnot1 o pagbúnot, karaniwang pagbúnot ng halaman o damo
2:
[Pan] tabâ1

Gabriel (géyb·ri·yél, gab·ri·yél)

png |[ Ing Esp ]
1:
sa Bibliya, arkanghel na nagbalita sa pagsisílang kay Hesus sa pamamagitan ng Birheng Maria
2:
arkanghel na nagbunyag ng Koran kay Muhammad.

gab·ríng

pnd |gab·ri·ngín, gu·mab· ríng, i·gab·ríng, máng·gab·ríng |[ Bik ]
:
agawin ; hablutin.

gáb-ul

pnr |[ Hil ]

ga·bún

png |[ Kap ]

ga·bu·nán

png |Mit |[ Hil ]
:
aswang na kumakain ng lamán ng tao minsan sa isang taon.

ga·búr

png |[ Ilk ]

ga·bút

pnr |ma·ga·bút Med |[ Iva ]

gá·but

png
1:
[Bik Hil Ilk Tag] palabnot na pagbúnot sa haláman o pagbúnot sa dahon nitó — pnd ga·bú·tin, gu·má·but, mag·gá·but
2:
pagsirà sa damit sa pamamagitan ng pagbaltak o paghablot — pnd ga·bú·tin, gu·má·but
3:
sirà ng damit o iba pang kauri nitó
4:
pagkidnap sa isang babae
5:
[Mag] kagát1 — pnd ga·bú·tin, gu·má·but, mag·gá·but.

gáb·ya

png |[ Esp gavia ]
1:
Ntk parisukat na punòng layag
2:

gab·yón

png |[ Ilk ]

gab·yó·ta

png |Zoo |[ Esp gaviota ]

Gad

png
:
sa Bibliya, anak na laláki nina Jacob at Zilpah at itinuturing na pinagmulan ng tribu ng Israel.

gá·da-gá·da

png |[ Mrw ]
:
banderitas na may iba’t ibang kulay.

ga·dán

pnr |[ Bik ]

ga·dáng

png |[ Iva ]

gá·dang

pnr |ma·gá·dang |[ Ilk ]
1:
maikli, kung sa damit at pantalon

gá·dang

png |Agr |[ Ilk ]
:
piraso ng kawá-yan o kahoy na ginagamit sa paggawâ ng maliit na hukay sa lupa na tatamnan ng binhi.

gád·dang

png |Ana |[ Itw ]

Gád·dang

png
1:
Ant pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Ca-gayan Valley at Silangang bahagi ng Cordillera
2:
Lgw isa sa mga wika nilá.

gád·dil

png |Med |[ Ilk ]

gád·dung

pnr |[ Tau ]

gadfly (gád·flay)

png |Zoo |[ Ing ]
1:
lamok na nangangagat ng báka
2:
tao na nakayayamót.

gad·gád

pnr
:
duróg1 o pira-piraso.

gad·gád

pnd |gad·ga·rín, gu·mad·gád, i·gad·gád, mag·gad·gád
:
paliitin ang isang bagay, karaniwang pagkain, túngo sa maliliit na piraso sa pamamagitan ng pagkaskas nitó sa isang gadgaran : GRATE

gád·gad

png |[ Ilk ]
:
hasaán ng talim o talas ; batóng kiskisan.

gad·gár

png |[ ST ]
1:
pagputol sa ugat
2:
katapusan o pagkaubos ng isang bagay.

gad·gá·ran

png |[ gadgád+an ]
:
isang kasangkapan na ang rabaw ay tadtad ng bútas na may mga gilid na nakatinghas at matatalim, karaniwang ginagamit sa paggadgad ng keso, karot, kamotengkahoy, at ibang matigas na pagkain : GRATER2 Cf KUDKÚRAN

gadget (gád·dyet)

png |[ Ing ]

gá·ding

png |Zoo |[ Bik Hil Ilk Mag Mrw War ]

ga·díng-ga·díng

png |[ Bik ]
:
maliliit na manyika at pigurin na gawa sa luad.

ga·díw

png |Zoo |[ Ifu ]
:
isdang-tabáng na maliit.

gád·las

png |[ Seb ]

gad·lós

png

gá·dol

png |[ Ilk ]
:
tari ng manok.

gadolinite (ga·dó·li·náyt)

png |Heo |[ Ing ]
:
maitim na kristalinang mineral na may iron at silicon ng beryllium.