ina
-ina
pnl |[ Esp Ing Lat ]
1:
pambuo ng mga pangalan o titulong pambabae, hal Georgina, Isarina
2:
mga katawagan sa mga instrumentong pangmusika, hal consertina
3:
mga pangalan ng mga kategorya sa klasipikasyon ng mga hayop, hal globigerina.
í·na
png |Ark |[ Kal ]
:
pangunahing haligi ng kubo.
i·na·ás
png |[ Bik ]
:
pinakauna at matamis na tubâ.
i·ná·as
pnd |i·na·á·san, mang-i·ná·as, u·mi·ná·as
:
maghintay hanggang sa oras ng pagkain.
I·na·bák·non
png |Lgw
:
wikang sinasalita ng grupong Abáknon na karaniwang nakatira sa isla ng Capul, Hilagang Kanluran ng Leyte.
i·na·bál
png |[ Tag Bag ]
:
tela na yarì sa hinábing abaka.
i·ná·bay
png
:
mabulang bakás ng tubig na pinagdaanan ng sasakyang-dagat.
i·na·bél
png
1:
[Ilk]
telang hinabi
2:
[Bag]
hábi1 o paghahabi.
i·ná·der
png |[ Ifu ]
:
kasangkapang ginagamit sa pagluluto.
í·nag
png
:
bagay na bahagyang nasisilayan.
i·na·ga·gán
png |[ ST ]
:
pinagsalàan o ang mga bagay na hindi lumusot sa pansalà.
i·nâ-gam
pnd |[ Bik ]
:
maghangád ; magnáis.
I·na·gá·wan
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tagbanwa.
i·na·gu·rá
pnd |i·na·gu·ra·hán, mag-i·na·gu·rá |[ Esp inaugurar ]
1:
mag-karoon ng pormal na panimula o simulain
2:
italaga sa tungkulin
3:
buksan nang may pormal na sere-monya ang isang bagong gusali, bagong negosyo, at katulad.
i·na·gu·rál
png pnr |[ Esp ]
:
anumang hinggil sa inagurasyon.
i·na·hín
png |Zoo |[ ina+hin ]
1:
iná ng alinmang hayop o kulisap
i·ná·in
png |[ Ilk ]
:
arina mula sa bulé.
i·ná-i·ná·han
png |[ ina ina+han ]
:
sinumang gumaganap ng tungkulin ng isang ina sa sinumang batà ; babaeng nag-aalaga at nag-aaruga sa anak ng iba.
í·na·kub
png |[ War ]
:
gabe na pinagtaklob, iniluto sa gata, at may palaman na kinudkod na laman ng gabe, niyog, at asukal.
i·na·lá·an
png
:
bagaso ng tubó.
i·na·la·man
png |[ Yak ]
:
paldang hugis bumbong at may disenyong gaya ng sapatungan.
i·ná·lay
png
1:
Bot
kiyapo na magulang
2:
maliit at bilóg na dahon na inilalagay sa minatamis na tubig.
i·na·lí·tan
png |Agr |[ ST ]
:
pinaggapasan o ang naiiwan matapos gumapas ng palay.
i·nam·bák
png |Bot
:
uri ng saging na iba ang kulay sa karaniwan.
i·nám·ba·tó
png |[ ina+ng+bato ]
:
mina ng ginto.
i·nám·pa·lán
png |[ ina+ng+palana ]
i·ná·nga
png |[ Ifu ]
:
panlaláking kápa na gawâ sa abnut.
i·náng-da·lág
png |Zoo |[ ina+ng dalag ]
:
inahing dalag na kumakain ng sariling anak.
i·náng-hag·dán
png |Kar |[ ina+ng hagdan ]
:
dalawang magkahanay na tabla na pinagkakabitan ng mga baitang ng hagdan.
i·nang·pá·lan
png |[ ST ina+ng+palan ]
:
hindi mabílang na tao o mga hayop.
i·náng-pa·ngú·man
png |[ ina+ng-panguman ]
:
tawag sa pangalawang asawa ng amá : DÁGA2,
MADRÁSTA,
STEPMOTHER
i·náng wi·kà
png |[ ina+ng wika ]
:
sariling wika ; katutubòng wika.
i·nán·to·wi·rá·san
pnr |[ Mrw ]
:
nilagyan ng palamuti.
i·nan·tú·big
png |Heo |[ ina+ng tubig ]
:
pinagmumulan ng ilog.
i·na·pó
png |[ in+apo ]
:
kabílang sa malayong susunod na salinlahi.
i·ná·ram
png
:
anumang tirá o labis na pagkain.
í·nas
png |[ ST ]
1:
pagdating ng marami
2:
higit na pagmamahal sa isa kaysa iba.
í·nas
pnr |[ Bik ]
:
sirâ o gamit na.
i·na·sál
png |[ Tag in+ Esp asar ]
:
ihaw o inihaw sa init ng bága.
í·nat
png |[ Ilk Pan Tag ]
:
pagbabanat ng lamán .
i·na·tá
png |Bot
:
yerbang akwatiko (Ceratophyllum demersum ) na may mahabà at nagsasangang tangkay, nakabalumbon ang mga dahon at karaniwang tanim para sa akwaryum at sánaw.
i·na·tâ
pnd |i·na·ta·ín, mag-i·na·tâ |[ ST ]
:
pilitin ang pagpapagalíng o magpunyagi ang mahiyain.
i·ná·tas
png |[ ST ]
1:
sakít ng áso sanhi ng pagkain sa damong ilahas
2:
batàng payat at nag-aalboroto dahil sa kawalan ng gatas ng ina.
i·nat·ta·gáng
png |[ Ifu ]
:
kutsarang gawâ sa bao.
i·náy
png
i·ná·yar
pnd |mag-i·na·yár, u·mi·na·yár |[ ST ]
1:
ipilit nang paunti-unti ang isang bagay
2:
gumawâ o magsalita nang mabagal.
i·na·yí·kir
png |[ ST ]
:
bola ng sinulid.