manta
mán·ta
png |[ Esp ]
:
malaking tela na isinusuot upang maging pantakip sa balikat, dibdib, at likod.
Man·ta·kín mo!
pdd |Kol
:
Isipin mo!
man·ta·lá
png |[ ST ]
1:
mga salitâng katulad ng sa pagpapalayas ng masamang espiritu o orasyon
2:
Bot
uri ng maliit na punongkahoy.
man·ta·là
pnd |[ Seb ]
:
ilathala, ipahayag – png pag·man·ta·là.
man·tá·la
png |[ Mal manter San mantra ]
:
pagpapalayas ng espiritu sa pamamagitan ng dasal.
man·ta·ló·na
png |[ Esp ]
1:
lona o makapal na tela na ginagawâng layag
2:
anumang sapin sa likod ng sinasakyang hayop.