sá•la 1: anumang ginawâ na labág sa batas o tuntunin ng isang kultura, organi-sasyon, o institusyon 2: silid sa pagtanggap ng mga bisita 3: sayaw1 4: liban3
sa•là 1: paraan ng paghihiwalay ng mapipino at ng makakapal na butil, ng dumi, o ng ibang substance sa pamamagitan ng tela o bistay 2: liwanag1 o ilaw
sa•lá 1: paraan ng maluwag na paglála, hal salá ng mga patpat ng kawayan na ginagamit na bakod ng halámanan o kulungan ng manok 2: sála1
sá•la 1: hindi tumamà ang ulos, suntok, o punglo; malayò o lihis sa nais patamaan ng ulos, suntok, o punglo 2: ligtâ
pre•si•dén•te de sá•la : noong panahon ng Espanyol, hukom na namamahala sa kamarang kri-minal o sibil ng real audiencia.