• sa•lák

    png
    :
    pagsibak ng panggatong

  • sá•lak

    pnd
    1:
    [ST] salitâng Kapampangan, tumigil ang pagdaloy ng tubig ng ilog dahil sa nakaharang na damo at yagit
    2:
    [Hil] sumali sa usapan

  • sá•lak

    png
    1:
    halò ng iba’t ibang kárat ng ginto
    2:
    panganay na anak ng kabayo o báka
    3:
    [Tin] paghihiwalay sa mag-asawa bílang anyo ng parusa
    4:
    [Kap] salà1
    5:
    [Bik] halò1
    6:
    [Seb] lórong intsík

  • sá•lak

    pnr
    :
    pansamantalang dam sa ilog na gawâ sa mga damo