tar : maitim, malapot, at nag-liliyab na likido mula sa pagdalisay ng kahoy o uling, ginagamit na alkitran o aspalto.
ni 1: nagpapahayag ng pagmamay-ari at karaniwang sinu-sundan ng pangalan ng tao, hal “Bago ang sapatos ni Jona.” 2: nagpapahayag ng tagagawâ ng aksiyon at karaniwang sinusundan ng pangalan ng tao, hal “Hiniram ni Nieves ang aklat.”
U, u 1: ang ikadalawampu’t tatlong titik sa alpabetong Filipino, at tinatawag na yu 2: ikalabingwalong titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na u 3: ikadalawampu’t tatlo sa isang serye o pangkat 4: pasulat o palimbag na representasyon ng U o u 5: tipo, gaya ng sa printer upang magawâ ang titik U o u
bu•hók ni és•ter : bromeliad (Tillandsia usneoides) na pinilakang abuhin at parang sinulid ang nakabiting mga tangkay, umaabot sa 2 m ang habà, at maliliit ang bulaklak
Á•wit ni So•lo•món : aklat sa Bibliya na naglalamán ng mga tula ng pag-ibig na ipinalalagay na mula kay Solomon
Ar•ka ni No•é : sa Bibliya, ang sasakyang-dagat na ipinagawâ ng Diyos kay Noe upang mailigtas ang isang pares ng bawat hayop at ibon sa panahon ng dilubyo