a•lí•yun : hindi regular na kilos at umaalong galaw, karaniwan ng mga pangkat, kawan, ulap, hangin, o usok
al•ka•bá•la : noong panahon ng Espanyol, buwis mula sa mga panindang ipinagbili sa palengkeng pag-aari ng pamahalaan
al•kál•de 1: noong panahon ng Espanyol, pinunò ng isang alkaldiya 2: pinakamataas na pinunò ng isang bayan o lungsod, al•kal•dé•sa kung babae
al•kál•de ma•yór : noong panahon ng Espanyol, gobernador ng lalawigan at punò ng hukuman ng unang dulúgan
alkali (ál•ka•láy) 1: anumang substance na nakapapawi sa bisà ng acid, nagpapabughaw ng litmus, at may pH na higit sa pitó 2: mineral salt na natutunaw, nakasasa-mâ sa pananim, at matatagpuan sa lupang pagas