ál•ka•lóyd : alinman sa serye ng organikong compound ng nitrogen, mula sa haláman, at ginagamit ang karamihan sa paggawâ ng gamot, gaya ng morphine o quinine
al•kam•pór : maputî, aromatiko, tíla kristal na substance mula sa punongkahoy na Cinnamomum camphora, at ginagamit na sangkap sa gamot
al•kan•ta•ríl•ya : kanal na yarì sa túbo, semento, o kongkreto na nása ilalim ng lupa at daanan ng maruming likido
al•ka•pá•ra : kapamilya ng halamang masanga, mahabà at matinik ang mga tangkay, magaspang ang mga dahon, at may mga bulaklak na malaki at putî
al•kay•se•rí•ya 1: noong panahon ng Espanyol, pamilihan at tirahan ng mga Tsino sa Maynila 2: pook na pamilihan ng seda, cotton, at iba pang kalakal
al•ki•mí•ya 1: sinaunang kemistri 2: transpormasyon ng ilang metal para maging tanso o ginto 3: mapaghimalang transpormasyon o mga pa-mamaraan para maisagawa ito
al•ki•trán : itim, malangis, at malagkit na substance na malapot kapag mainit, matigas kapag malamig, nakukuha sa pag-dalisay ng tar at ginagamit sa water-proofing