al•ko•hól 1: likido (C2H3OH) na madalîng sumiklab, walang kulay, at inihahalò sa mga inuming nakalalasing 2: mga inumin na mayroon nitó 3: organikong compound na mayroong isa o higit pang hydroxil na nakakapit sa carbon atom
al•lá•taw : basket na katamtaman ang laki, may tuyud, 50 sm ang taas, yarì sa kawayan, at pinagsisidlan ng kamote