a•lók 1: anyáya 2: mungkahing bilhin ang isang bagay 3: pagpapakain sa maysakít 4: pagbaluktot sa dulo ng kawil at katulad
a•lo•lók•do : magaspang na pakô (Nephrolepsis hirsutula) na tumutubò sa lupa o kumakapit sa ibang haláman, karaniwang ginagamit ang lamán ng tangkay sa paggawâ ng sombrero, banig, at basket
a•lón-a•lón 1: hindi pantay-pantay; kapara ng alon 2: maraming alon 3: kulót1 4: hindi maayos na pagkakagupit ng buhok
a•lóng-rá•dyo : elektromagnetikong alon na may dalasan na 104 , hanggang 1011 , o 1012 , Hz, gaya ng ginagamit sa malayuang komunikasyon