alluvium (a•lú•vi•ém) : deposito o tambak ng pinong lupa sa lambak at bunganga ng ilog matapos ang baha
al•má : pagtayô, karaniwang gamit ang unaháng mga paa, gaya ng sa kabayo, dahil sa tákot, gálit, at katulad
Alma Máter 1: inang diwà o mapagkalingang ina 2: pamantasan, paaralan, o kolehiyo na pinapasukan o pinagtapusan
al•ma•ná•ke : kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinatatalaan ng mga oras ng iba’t ibang pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtáog at pagkáti ng tubig, at iba pa
al•már•yo : kabinet na pinaglalagyan o pinagtataguan ng unan, kulambo, banig, at iba pa; sa Espanya, kabinet para sa mga sandata
al•má•si•gá, al•ma•sí•ga : malaking punongkahoy (Agathis philippinensis) na pinagkukunan ng sangkap sa barnis
al•mén•dras : matigas na punongkahoy (Amydalus prunus) na tumutubò sa rehiyong tropikal at may bungang nuwes