al•ye•nas•yón 1: sa Marxismo, ang pagkawala ng kaugnayan ng manggagawa sa produkto ng kaniyang paggawa 2: sa Eksistensiyalismo, kondisyon ng pagkakawalay sa obhetibong mundo 3: pagsasalin ng ari-arian o titulo sa iba
Alzheimer’s disease (alts•háy•merz di•zíz) : sakít sa utak na tumutukoy sa wala sa panahong pagkaulianin
am : sabaw na nakukuha sa kumukulông sinaing, kulay putî, at malimit gamitin bílang inúmin ng sanggol