a•ma•ít : punongkahoy (Fla-courtia rukam) na may bungang bilóg, makatas, makinis, at makintab ang balát
á•mak 1: pagpapaamo sa hayop 2: pag-aalaga o paghimas sa isang sasabungin 3: anumang nagdudulot ng ningas o apoy 4: kubo o dampa sa gubat, buról, o bundok
a•má•kan 1: isang uri ng susô 2: sawali ngunit higit na pino ang kawayang gamit, karaniwang gamit sa pagbibilad ng butil
á•mal•gám 1: mga bagay na pinaghalò o pinaglahok 2: halò ng mercury na may isa o higit pang metal at kadalasang ginagamit ng dentista