a•ma•rán•to 1: halámang ornamental (genus Amaranthus) na kulay lilang pulá ang bulaklak 2: kathang-isip na bulaklak na hindi kumukupas 3: kulay líla
a•ma•rí•lis 1: yerbang (Hippeastrum vittatum) malakí at payát ang may hugis tiranteng dahong may bahid na guhit, at hugis trumpeta ang bulaklak 2: saramulyéte
a•ma•ríl•yo : yerba (Tagetes erecta) na may amoy ang salít-salít na dahon, dilaw at ma-lago ang bulaklak, at tumataas nang 60 sm; katutubò sa Mexico
A•ma•te•rá•su : pangunahing diyos ng relihiyong Shinto ng mga Hapones; diyosa ng araw at ninuno ni Jimmu, ang tagapagtatag ng dinastiyang imperyal
amateur (ám•a•tyúr) 1: tao na iniuukol ang panahon sa sining o isports bílang libangan lámang at hindi bílang propesyon 2: tao na matuwain o mahilig sa isang bagay 3: bagúhan
a•ma•tís•ta : mahalagang bató na malinaw at kulay lila o bughawing lila, at karaniwang ikinakabit sa alahas
a•má•tong 1: kamalig ng palay 2: patúto1 3: paraan ng panghuhúli ng alimango sa pamamagitan ng paing kinudkod na niyog