á•may 1: tumatayông pangalawang namumunò sa pamayanan 2: kabutihan o biyayang hinihingi sa pagdarasal 3: ága1
am•bág 1: pagbibigay ng salapi, oras, kaalamán, o tulong kasáma ng ibang tao para sa kawanggawa 2: anumang ibinigay para sa pangkalahatang pondo o suplay 3: anumang orihinal na akda na ilalathala para sa isang magasin o publikasyon
am•bá•han 1: tradisyonal na tula ng Hanunuo Mangyan, karaniwang inaawit 2: sinaunang tula o awiting-bayan na gumagamit ng sukat na pipituhin ngunit walang takdang bílang ang mga taludtod