Ám•boy : pinaikling “American Boy” at masugid na tagahanga at tagasunod ng kultura at politika ng Estados Unidos
am•bo•yu•án : punongkahoy na sali-salisi ang dahon na matulis ang dulo, at ginagawâng lubid at pisi ang himaymay ng balát
am•brós•ya 1: sa mitolohiyang Griyego, inúmin ng mga bathala 2: pagkain ng bathala na nagdudulot ng inmortalidad
am•bu•lán•si•yá : sasakyang ginagamit sa pagda-dalá sa ospital ng mga maysakít, nasaktan, at nasugatan