a•ná•li•sís 1: surì1 o pagsusuri 2: a detalyadong pag-aaral sa mga elemento at estruktura ng isang substance b pahayag ng resulta nitó 3: pag-alam sa mga bumubuong bahagi ng halò o tambalan 4: sangay ng matematika na nakatuon sa teorya ng mga funsiyon at mga operasyon sa calculus
analog computer (á•na•lóg kom•pi•yú•ter) : computer na lumulutas ng hatag na suliraning pangmatematika sa pamamagitan ng pisikal na analog
analogue (án•a•lóg) 1: bagay na katulad 2: compound na may estrukturang molecular na kahawig ng isa pa 3: sintetikong pagkain na kahawig ang lasa ng natural na pagkain 4: organ na kawangis ng ibang organ
analogy (a•nál•o•dyí) 1: pagwawangis 2: sa lohika, proseso ng argumentong nagbabatay ng paliwanag sa kahawig na bagay o pangyayari 3: panggagagad ng mga salita sa pagbuo ng iba 4: pagkakahawig ng funsiyon ng mga organong pawang magkakaiba