a•na•thé•ma 1: kinamumuhiang bagay o tao 2: a sumpa ng simbahan na nagtatalagang eskomulgado ang isang tao o ang sinumang nagtatakwil sa isang doktrina b isinumpang bagay o tao c malakas na sumpa
a•na•to•mí•ya 1: agham sa pisikal na estruktura at mga bahagi ng mga nilikhang may búhay 2: estruktura ng anumang bahagi ng haláman o hayop 3: katawan ng tao
a•ná•va : metodolohiyang pang estadistika sa pagsusuri ng variance at nahahati sa mga malinaw na komponent ang variation sa set ng mga obserbasyon
a•náwns•ment 1: anumang ipinahayag o ipinaalam 2: opisyal na komunikasyon o pahayag 3: patalastas o anumang mga materyal para ipaalam sa madla
á•nay 1: kulisap (order Isoptera) na kumakain ng kahoy 2: sa ibang bayan, tumutukoy din sa panganay o unang anak