a•náng : salitâng binubuo ng malaunlaping a na may katuturang “sabi,” at ng pantukoy na pambalanang nang, sa kaukulang paari at pang isahan, at nangangahulugang “sabi ng”
án•a•pést : sa tula, sukat na binubuo ng dalawang maikli at walang tuldik na pantig at ng kasunod na mahabà at may tuldik na pantig
anaphora (a•náf•or•á) 1: pag-uulit ng isang salita o parirala sa simula ng magkakasunod na mga parirala 2: paggamit ng isang salita na tumutukoy o humahalili sa salitâng naunang ginamit sa pangungusap 3: bahagi ng Eukaristiya na binubuo ng konsekrasyon, anamnesis, at komunyon
a•nar•kís•ta 1: tao na naniniwala at nagtataguyod sa anarkismo 2: tao na gumugulo o gumagawâ ng kaguluhan sa bayan sa pamamagitan ng pag-aalis sa batas, kaayusan, at pamahalaan
a•nar•kí•ya 1: kalagayan ng lipunan na walang pamahalaan 2: kaguluhang pambayan dulot ng pagkabuwag ng pamahalaan nang walang malinaw na tunguhin kung ano ang ipapalit dito 3: paghahari ng gulo sa anumang samahán