a•nek•dóta : maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa búhay ng kilalá o dakilang tao, at maaaring tunay na nangyari o hindi
a•nek•si•yón 1: kabít1 o pagkakabit 2: pagsasáma1 3: bagay o bahaging idinugtong 4: pagsakop o pananakop
a•né•mo•ná 1: anumang halámang kabílang sa genus Anemone, lalo na ang A. quinquefolia na may putîng bulaklak 2: anumang lamándagat (phylum Coelenterata) na may hugis kolum na katawan at mga bilóg na galamay na nakapaligid sa bibig
a•ném•ya : pagiging kulang sa dugo, lalo ng pu-láng mga cell o ng hemoglobin, na nagdudulot ng panghihinà
aneroid barometer (án•e•royd ba•róm•i•tér) : kasangkapan sa pagsukat ng presyur na atmosperiko, karaniwang isinasaayos ang kalibre upang gamitin bílang altimeter