a•ngát 1: pagbubukás pataas ng isang bagay 2: pagbubukás ng dugtungan ng singsing o hikaw 3: pagtaas nang bahagya mula sa kinalalagyan
a•ngáy 1: hindi lumiwanag nang lubos ang apoy o kandila 2: kunin mula sa apóy ang isang bagay, ó bawasan ang apóy
angel’s trumpet (éyn•dyels trám•pet) : maliit na punongkahoy (Brugmansia suaveolens) na may malakí at nag-iisang bulaklak na hugis trumpetang tíla nakabitin, katutubò sa Brazil