an•dám•yo 1: pansamantalang estruktura na nagsisilbing salalayan ng mga manggagawa kung nagtatrabaho sa mataas na bahagi ng gusali 2: tabla o kahawig na ginagamit na tulay
an•dá•na 1: hatì o partisyong inayos nang sunod-sunod na pataas, gaya sa aparador o eskaparate 2: salansan ng kopra 3: palapag ng gusali
an•dár 1: kílos 2: takbo ng isang mákiná, sasakyan, o aparato 3: pag-unlad o pagsulong ng isang negosyo
án•das : pinalamutian at may baras na platapormang pinaglalagyan ng imahen ng santo, at pinapasan kung prusisyon