áng•gu•lóng rék•to : anggulong may 90°, tulad sa isang sulok ng isang parisukat o interseksiyon sa pagkukrus ng dalawang linyang perpendikular
ang•hél 1: isa sa siyam na uri ng tagapaglingkod na pangkaluluwa ng Diyos 2: sugo ng diyos 3: tao na katulad ng anghel sa kagandahan, kabaitan, at iba pa 4: espiritung tagapatnubay o tagapangalaga
ang•hél de la gu•wár•di•yá 1: anghel na pinaniniwalaang tagapagtanggol ng isang tao, lalo upang makaiwas sa panganib o pagkakamali 2: tao na nangangalaga sa kapakanan ng ibang tao
angina (angina) 1: pananakit ng dibdib dahil sa pagod at kakulangan ng dugo na umaabot sa puso 2: atake ng masidhing sakít sa lalamunan na nagdudulot ng paghihirap huminga
angiogram (án•dyi•o•grám) : radiograph ng mga daluyan ng dugo at lymph, isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasok ng substance na nakikíta sa X-ray