ang•kín 1: pagturing sa anuman bílang sariling ari 2: pagkamkam sa anuman 3: pagtulong sa nangangailangan 4: angki
áng•kla 1: mabigat na piraso ng bakal na may tanikala at inilulubog mula sa barko hanggang sa ilalim ng dagat upang panatilihin ang barko sa pook 2: korales sa dagat, lawà, o loók na may ganitong hugis
ang•kóp 1: anumang gamit para saluhin o maging pampatigas ng isang mahinà at hindi makatindig mag-isa 2: paghawák nang mahigpit
ang•lás 1: malaking dalisdis 2: anumang nakahihigit ng taas, hal punongkahoy na anglas sa ibang mga punongkahoy sa paligid 3: mga pasukan sa harapán