angstrom (áng•strom) : yunit ng habà na katumbas ng ikasandaang milyong bahagi ng 1 sm, 10-10 m (symbol A)
a•ngu•yób 1: panghihip na ginagamit sa pagpaparikit ng apoy 2: alinman sa dalawang túbo ng bulúsan na nilalabasan ng hangin
an•hén•ho : tuwid at sanga-sangang haláman (Crossotephium chinense) 50 sm ang taas, hiwa-hiwa ang dahon na abuhin ang kulay; katutubò sa Tsina at ipinasok sa Filipinas sa panahon ng Espanyol
an•hín : tinipil na anuhin, may kahulu-gang a anuman ang gawin, hal “Aanhin mo ba iyan?” b kahit paano hal Anhin ko mang isipin ay masama iyon.
anhydride (an•háy•drayd) : compound na nalalabí sa pagtanggal ng mga elemento ng tubig mula sa ibang compound