án•traks : nakamamatay na sakít ng mga túpa at báka na mula sa bacterium na Bacillus anthracis, lumilipat sa tao at kumakapit sa balát at bagà
an•tro•po•lo•hí•ya 1: agham tungkol sa pinagmulan, pag-unlad, at mga pagkaka-iba-iba ng kaunlaran at paniniwala ng sangkatauhan 2: pag-aaral ng pagkakatulad o pagkakaiba ng tao sa iba pang mga hayop 3: agham ng tao at ng kaniyang gawain
an•tú•lang : palumpong (Graptophyllum pictum) na tumataas nang 2-3.5 m, kulay lila ang dahon, at gamot sa kanser.
an•tú•tay 1: kasangkapan1 2: ulan na may katamtamang lakas ngunit nagtatagal 3: pananatili sa bahay sa halip na pumasok sa trabaho