ab•sín•ti•yó : alak na kulay lungti, aromatiko, nagtataglay ng 6-8 porsiyentong alkohol, at mula sa halamang ahenho
ab•sis•yón 1: paghiwa; biglaang pagputol 2: normal na pagkatanggal ng bulaklak, bungangkahoy, o dahon mula sa haláman o punongkahoy
ab•so•lu•tís•mo 1: prinsipyo ng pagkakaroon ng gobyernong may sukdulang kapangyarihan 2: paniniwala o pagtanggap sa kaisipan ng mga absolutong prinsipyo ng politika, pilosopiya, etika, o teolohiya 3: pagiging mapaniil
ab•sórb 1: isáma upang maging bahagi ng kabuuan 2: kunin 3: bawasan ang lakas o epekto 4: gamitin 5: marahuyo 6: sipsipin
ab•sor•si•yón 1: sipsip o pagsipsip 2: pagtanim sa isip 3: proseso ng pagsasáma o paghahalò ng isang bagay sa iba 4: lubusang pagkatutok sa isang gawain
ábs•trak 1: buód2 2: anumang hindi kongkreto 3: sining sa siglo 20 na nagpamalas ng hindi pagkilala sa tunay na anyo ng isang bagay