a•bu•sá•do 1: mapagsamantala 2: mapagmalupit sa ibang tao lalo na sa nakabababà, a•bu•sá•da kung babae
a•bú•so 1: pagsasamantala sa paggamit ng tanging karapatan, pribilehiyo, kapangyarihan, o pagtitiwala 2: mali o hindi tumpak na paggamit 3: hindi makatarungang pagtrato 4: pagiging malupit 5: gahasa o panggagahasa
a•bút•ra : baging na malakí at makahoy, dilaw ang tangkay, sali-salisi ang dahon, at maliliit at putî ang bulaklak