ab•súrd 1: balighô 2: uri ng modernong dulang Filipino na may impluwensiya ng Theater of the Absurd nina Beckett, Ionesco, at Genet
a•bu•áb 1: a Bot punongkahoy na ang dagta ng balát ay may lason na inilalagay sa palaso b kamandag o láson na ipinapahid sa talim ng palaso 2: panahong naghahanap ng pagkain ang mga isda 3: lukóng 4: lungíb1
a•bu•bót 1: basket na may takip at gawâ sa yantok 2: maliit na basket na kahugis ng boteng mahabà ang leeg at karaniwang pinaglalagyan ng kendi
a•bú•bot 1: sari-saring bagay na walang gaanong halaga, ngunit nakatipon kahit walang tiyak na kaukulan 2: abalábal