a•pi•ni•dád 1: relasyon o pagkakamag-anak dahil sa matrimonya 2: tulad o pagiging magkatulad 3: kaugnayan
a•pi•pi•lá : langgam (Momemenium pharaonis) na malakí at pulá, may pakpak, at lumalabas kung tag-ulan
A•pír! : pagbatì kasabay ang pagtatampalan ng mga nakalahad na palad ng dalawang nagkatagpo; nagsimula sa pagbabatian ng mga bakla
a•pir•mas•yón 1: pagsang-ayon hinggil sa isang bagay 2: nagmumungkahi na may katangian o paksang sinasangayunan ang proposisyong tinutukoy
a•pis•yo•ná•do : tao na mahilig sa isang bagay na nagdudulot ng pansariling kasiyahan sa halip na kíta