A•pó•kri•pós : pangkat ng labingapat na aklat na hindi kanónikó at kabílang sa Septuagint at Vulgata; bahagi ng Lumang Tipan
Apollo (a•pól•ow) 1: Apólo 2: isa sa mga serye ng sasakyang pangkalawakan ng Estados Unidos na idinisenyo upang marating ng mga astronaut ang buwan
A•pó•lo 1: sinaunang bathalang Griyego at Romano na pinaniniwalaang diyos ng liwanag, musika, tula, at iba pa; anak ni Leto at kapatid ni Artemis 2: napakagandang laláki
A•po•ni•bo•li•ná•yen : magandang dilag na asawa ni Init-Init at anak ng makapangyarihang pinunòng Tinggian