ap•láy 1: magharap ng pormal na kahilingan para sa isang bagay o gawain 2: gumamit o gamitin 3: maglagay
ap•li•ká•do 1: palaarál 2: masípag 3: magagamit 4: tumutukoy sa pag-aaral o kasanayáng nagagamit sa araw-araw na búhay, gaya sa “aplikadong agham” at “aplikadong sining.”
a•pli•ká•dong ag•hám : uri ng agham na may gamit sa karaniwang buhay o ang praktika ng teoretikong agham
ap•li•kas•yón 1: paggamit para sa espesyal na layunin 2: pormal na kahilingang nakasulat, karaniwan sa pagsapì 3: pagpapairal; pagbibigay bisà