a•pres•yas•yón 1: pagpapahalaga 2: pagtáya o paghatol; ebalwasyon ng opinyon, sitwasyon, tao, at iba pa 3: pagtaas ng halaga
apricot (á•pri•kót) 1: punongkahoy (Prunus armeniaca) na may bungang habilog at kulay dalandan 2: bunga nitó 3: kulay ng bunga nitó
a priori (a•pra•ór•i) 1: mula sa dahilan túngo sa epekto; mula sa isang pangkaraniwang batas túngo sa partikular na pangyayari at balido kahit walang batayang obserbasyon 2: umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan 3: hindi batay sa nauna nang pag-aaral o pagsusuri
a•pri•tá•da : putahe ng karne na iginisa sa sibuyas, kamatis, at iba pa, may sahog na patatas at siling pari, at may sarsa