a•po•te•ó•sis 1: pag-aangat sa kabanalan; pagtuturing na banal 2: pagsamba sa isang bagay; isang kahanga hangang halimbawa 3: sinasambang huwaran o uliran
a•póy 1: kombustiyong dulot ng paghahalòng kemikal ng mga substance at ng oxygen mula sa hangin at karaniwang nagbubunga ng init, liwanag, at usok 2: isa sa apat na elemento sa sinaunang pilosopiya at astrolohiya 3: pagaalay ng manok para sa bukid 4: lólo; lóla
apparatchik (a•pa•rá•tsik) 1: kasapi ng pangasiwaan ng isang partido Komunista; komunistang ahente o espiya 2: masigasig na pinunò; opisyal ng isang organisasyon
apparatus criticus (a•pa•rá•tus kri•ti•kús) : kalipunan ng mga varyant at anotasyong idinudugtong sa isang nakalimbag na teksto