apoplexy (ap•o•plék•si) 1: pagkawala ng málay sanhi ng paghinto ng daloy ng dugo sa utak, karaniwang dahil sa atake sa puso 2: hugos ng matinding emosyon, gaya ng gálit
a•po•rí•a 1: sa retorika, pahayag ng pag-aalinlangan dahil hindi alam kung ano ang sasabihin o kung saan magsisimula 2: isang mahirap lutasing kontradiksiyon sa lohika ng isang teksto o argumento
a•pó•ro : kahoy, metal, at kauri na ginagamit pampatigas, hal makapal o matigas na tela na ipinapaloob sa amerikana o manggas ng kamisadentro
a•po•sis•yón : ang ugnayan ng dalawa o mahigit pang salita at parirala na kapuwa tumutukoy sa iisang pangngalan
aposteriori (a•pós•tir•ór•i) 1: mula sa partikular na pangyayari túngo sa pangkalahatang prinsipyo o batas; batay sa aktuwal na obserbasyon o pagkaraan ng isang eksperimento 2: hindi umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan
a•pos•tól 1: sa Ebanghelyo, isa sa labindalawang pangunahing disipulo ni Kristo 2: unang matagumpay na Kristiyanong misyonero sa isang bansa o sambayanan 3: pinunò o namumukod tanging personahe, lalo na ng isang kilusan sa reporma 4: mensahero o kinatawan, a•pos•to•lés kung maramihan
a•pos•to•lá•do 1: awtoridad ng Papa bílang pinunòng apostoliko; samahán ng mga légong deboto sa misyon ng simbahang Katoliko 2: posisyon o kapangyarihan ng apostol; pamumunò ng reporma
a•pos•tó•li•kó 1: tumutukoy sa labindalawang apostol 2: tumutukoy sa Papa na itinatangi bílang kahalili ni San Pedro
a•pós•tro•pé 1: a pagtawag sa isang tao na wala sa tagpo o patáy na b pagbibigay ng katangiang pantao sa kinakausap na bagay o bahagi ng kalikasan 2: kudlít2