a•ris•to•krás•ya 1: a pinakamataas na uring panlipunan b uring naghahari sa isang lipunan 2: a pamahalaan na pinamumunuan ng pribilehiyadong pangkat b estadong pinamamahalaan sa ganitong paraan
a•ris•to•krá•ti•ká 1: may kaugnayan sa aristokrasya 2: bantog sa tíkas o pag-uugali, a•ris•to•krá•ti•kó kung laláki
A•ris•tó•te•lés : pilosopo at siyentistang Griyego, disipulo ni Plato at isa sa pinakamaimpluwensiya sa kaisipang Kanluranin (384 BC-322 BC)
a•rit•mé•ti•ká 1: agham ng mga bílang o numero 2: kaalamán o paggamit sa agham ng bílang; komputasyon o palatuusan